Songtexte.com Drucklogo

Yugto Songtext
von Any Name's Okay

Yugto Songtext

Payak ang buhay nang ′di ka kilala
Takot, nakakakaba na pukawin
Wala nang inatupag sa 'ting mundo
Hangga′t dumating ang inyong luningning
Sa munting liwanag, ako'y nagising

Tuloy at tuloy lang ang paghihintay
Ikaw na ang aking bukang-liwayway

Maginhawa (ang mundo kapag nar'yan ka)
Hanggang mata (ang abot ng ′yong tawa)
Sigaw sa bituin at pangako sa ′yo
Noong simula pa, ikaw na ang dulo


Kamay, nang magkahawak ang atin
Sa 'yo, malinaw ang aking damdamin
Buo ang kalangitan sa ′king loob
Araw-araw ang himig ng kasiyahan
Hindi na kailangang mag-alinlangan

Tuloy at tuloy lang ang paghihintay
Ikaw na ang aking bukang-liwayway

Maginhawa (ang mundo kapag nar'yan ka)
Hanggang mata (ang abot ng ′yong tawa)
Sigaw sa bituin at pangako sa 'yo
Noong simula pa, ikaw na ang dulo

Maginhawa (ang mundo kapag nar′yan ka)
Hanggang mata (ang abot ng 'yong tawa)
Maginhawa (ang mundo kapag nar'yan ka)
Hanggang mata (ang abot ng ′yong tawa)

Sigaw sa bituin at pangako sa ′yo
Ito na ang tanging 'pinagdasal ko
′Di ko man alam kung saan patungo
Noong simula pa, ikaw na ang dulo

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Yugto« gefällt bisher niemandem.