Songtexte.com Drucklogo

Ngayon Songtext
von Angeline Quinto

Ngayon Songtext

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon, ang daigdig mo′y bata at makulay
Ngayon, gugulin mo nang tama't mahusay
Bawat saglit at sandali, magsikap ka′t magpunyagi
Maging aral, bawat mali

Ngayon, bago ito ay maging kahapon
Ang pagkakataon sana'y 'wag itapon
Ikaw, tulad ko rin ay may dapit-hapon
Baka ika′y mapalingon sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mo′ng kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain niyang ganda′y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay, ngayon


Sa buhay mong hiram, mahigpit man ang kapit
May bukas na sa ′yo'y ′di na rin sasapit
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na ang bukas, 'di sumapit pa
Ang naabot mo′y langit na

Ituring mo′ng kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain niyang ganda′y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay, bukas mo′y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon

Ituring mo′ng kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain niyang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa ′yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay, bukas mo′y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Angeline Quinto

Quiz
Wer singt das Lied „Applause“?

Fans

»Ngayon« gefällt bisher niemandem.