Songtexte.com Drucklogo

Kasalanan Songtext
von 6Cyclemind feat. Gloc 9

Kasalanan Songtext

Maari bang makausap ka?
′Di na biro ang nararamdaman
Nalungkot sa aking buhay
Mula nang ika'y matauhan

Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan
Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan

Maari bang mapigilan pa
Ang ′yong 'di maaming binabalak?
Nakalimutan mo na ang pagsasama
'Di na ba kayang mapagbigyan?

Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan
Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan


Patawad ay isang salitang animo′y isang parusa
Ito′y sasambitin mo lang kung lahat ay huli na
At 'di na maibabalik ang dating pinagsamahan
Parang putik sa mukha na pinahid nang pabalang
Sa ′yo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
Habang siya'y bigay nang bigay at ipinauubaya
Lahat ng makakabuti kahit na panghuling butil
Ay iaabot sa iyo, parang ika′y isang inutil na hindi nag-iisip

Wala kang nararamdaman
Subukan mang pumikit, wala kang natatandaan
Lagi mong inaalala ang para lamang sa 'yo
Walang iba kung ′di ikaw at kailanma'y walang kayo
Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit
Ika'y sasaktan, sumisigaw ng salitang pumupunit
Kahit sabihin mong kausapin ang ′di na sasagot
Akapin man nang mahigpit ay ′di mo na maabot, patawad

'Di na mauulit
′Di na uulitin
Sana'y tanggapin mo

Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan
Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan, kasalanan


Tayoy′y nagkagulo't nagsigawan at halos magtulakan
Sa galit ko, ako′y lumayas at 'di ka binalikan
Sinimot ang lahat ng pangako at 'tong pagmamahal
Sumpaan natin sa isa′t isa. ′di rin nagtagal
Ang gabi ay laging umaga, umaga'y laging gabi
Ako′y gumigising nang 'di ko kilala ang katabi
Paulit-ulit na ganito ngunit ng aking makita
Larawan mo sa loob ng aking lumang pitaka
Ay nalaman ko, hinanap ko ang tunay na sarili ko
Nakita ko, nalaman ko, ito ay nasa piling mo
Inipon ang lahat ng aking lakas ng loob
Ngunit bakit parang ′di maganda ang aking kutob?
Nilapitan ka at pilit na tinitingnan sa mata
Ako'y nagdarasal na sabihin mo sa ′kin, "Pwede ba?"
Ika'y hindi kumikibo at parang lumalayo
Tila pag-ibig mo sa akin, tuluyan nang natuyo

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Welche Band singt das Lied „Das Beste“?

Fans

»Kasalanan« gefällt bisher niemandem.