Songtexte.com Drucklogo

Alam Na Songtext
von Imago

Alam Na Songtext

Mapaglarong lumilipad
Ang utak ko′y 'di nakikinig
Pinagmamasdan ang lahat ng bagay
Sa iyong paligid

′Di mo ba alam
Ang nasa isip ko
Ang lahat-lahat ng bagay na iniwan mo
'Di mo ba alam
Ang nasa isip ko
Dadayuhin ka hanggang sa dulo ng mundo

Aaminin ko ako'y nagkakalat ng walang saysay noon
Ngayon ako′y nagpipilit umupa ng pagkakataon
Na malambing ka
Na mayakap ka


′Di mo ba alam
Ang nasa isip ko
Ito'y naghahanap ng init na wala sa ′yo
'Di mo ba alam
Ang nasa isip ko
Dadayuhin ka hanggang sa dulo ng mundo...

Wooh... ohh...
Ohh... ohh...

Sa panahon, nagtatanong
Saan ang patutunguhan
Sa kaliwa, o sa kanan
Sa ′yo pa rin ang hantungan
Pilitin mong lumigaya
Lumipad, kumubli
Nag-iisip, bumabalik
Pilit kang kakapit
Na magmamahal muli ang pusong nalumbay
Kahit isang libu't-isa pang kilometro ang ilalakbay
Lumuhod at nagdasal
Sumamo ng pag-asa
Sa panahon, binulong
Alam na ang kasagutan


′Di mo ba alam
Himig ng puso ko
Ito'y naghahanap ng init na wala sa 'yo
′Di mo ba alam
Ang nasa isip ko
Dadayuhin ka hanggang sa dulo ng mundo

′Di mo ba alam
'Di mo ba alam
′Di mo ba alam
'Di mo ba alam
′Di mo ba alam
'Di mo ba alam
′Di mo ba alam
'Di mo ba alam

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Imago

Quiz
Wer singt über den „Highway to Hell“?

Fans

»Alam Na« gefällt bisher niemandem.