Songtexte.com Drucklogo

Kalye Songtext
von Gloc‐9

Kalye Songtext

Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye


Iba′t Ibang tao, Iba't Ibang araw
Ang aking nakikita at syang nakakaulayaw
Simula sa pagsikat hanggang sa pagpanaw ng liwanag
At hanggang sa muli pa nyang pagdalaw
Sari sari ang mga naglalakbay at dumaraan
Kahit na ika′y nakasakay o kapapara lang
Para lang bulong ng hangin na tuloy tuloy
Mabaho man o mabango palagi mong maaamoy
Usad na di palangoy tawa man o panaghoy
Lahat tayo'y mababasa o mapapaso sa apoy
Dahil ako ang syang daan
Kahit buo kong pangalan ay kinatatamarang sambitin
Madiin marating tawirin tiisin
Kung ayaw mo sa'kin sige piliin kung alin
Naaalala mo ba ang mga storya ng kalsada
Pihitin pabalik ang kabanata ng pahina

Nalimutan mo na ba
Kung ilan ang sumali
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye


Aling Celia ang pangalan
Lumuwas papuntang Quiapo
Sumakay ng bus sa may Cubao nang may dumapo
Daw na paro paro sa balikat yun ang akala
Inipong pera′y nawala kasama ng pitaka
Sya si Melody pauwi na galing pang Estrella
Inabot ng hating gabi proyekto sa eskwela
Kailangang tumawid sa eskinita sa Manuela
Sa kasamaang palad di na nakita ang dalaga
Madilim kasuluksulukan sa Boni
Di na nagugutom ang batang lansangan na si Rolly
Pero di sya nabusog sa tinapay o pansit
Manhid lamang dahil sumisinghot sya ng pandikit
Napiit kahit na di ito Selda Bilibid
Araw araw napakaraming tao ang naiipit
Yang lamang ang ilan sa mga storya ng kalsada
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata

Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Galit, reklamo, angal, asar
Init, pahid, pawis, dasal
Tila di marating ang tinatanaw na lugar
Napakabagal ng pag usad parang lakad sa kasal
Pero minsan ang daan na ito′y nagsilbing
Kasagutan Sa milyong milyong hinihinging hiling
Malakas na narinig bulong na nakakabinging
Hinaing na gumising sa ginigising na gising
Pinatunayan sa mundo na totoo ang pagkakaisa
At mas makapangyarihan ang awa't malasakit sa
Kapwa laban sa baril o kahit na tangke
At tapang na katulad na pinagsama-samang kape
Ang kadilimay napukaw ng bulaklak na sandata
Dahil mas tumatagos ang pagmamahal kesa bala
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata
At huwag mong kalimutan ang storya ng kalsada

Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Kung ilan ang sumali
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang tunay na mensahe
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gloc‐9

Quiz
„Grenade“ ist von welchem Künstler?

Fans

»Kalye« gefällt bisher niemandem.