Songtexte.com Drucklogo

Biyahe Ni Syke (interlude) Songtext
von Gloc‐9

Biyahe Ni Syke (interlude) Songtext

Sakay ka sa bansang puro banyaga ang laman
Pati ang laman ng utak na mga walang pakialam
At ang sakayang ito′y parang bansang hindi pantay-pantay
May nakaupo nang maluwag at may halos malaglag na ang gayab


Nasa bungad ang lahat sa pag-abot ng pamasahe ay tamad
At ang mga bagong sakay ay sa dulo mapadpad
Pa'no ngayong uunlad, bumabagal?
Umusog ka kung nais magtagal o baka ′di na maabutan ang iyong kaarawan

Sasakay ka ba sa bansang halos walang patutunguhan?
Sapagkat ang mga nagmamaneho'y interesado sa pamasahe mo lang
Kaya't bumaba ka na hangga′t gising ka pa
Baka lumagpas, sa′n ka pa mapunta

Dahan-dahan
Hindi ko makita ang dinadaanan para pumara
Anignat, 'wag mo namang ihinto sa gitna ng kalsada

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gloc‐9

Fans

»Biyahe Ni Syke (interlude)« gefällt bisher niemandem.