Songtexte.com Drucklogo

Trabaho Songtext
von Freddie Aguilar

Trabaho Songtext

Trabaho, trabaho
Lunes hanggang Sabado, panay trabaho
Trabaho, trabaho
Patuloy ang taas nitong mga presyo

Pagdating ng suweldo ay kinakapos din
Maraming babayarang kay sakit isipin
Kahit na anong pagtitipid ang gawin
Hindi rin makaipon, laging nabibitin

Trabaho, trabaho
Kayod ka nang kayod na parang kabayo
Trabaho, trabaho
Baka sakaling mabigyan ng umento

Kay bagsik-bagsik ng ′yong mahal na amo
Laging nakasimangot, mainit ang ulo
'Pag nahuli kang ika′y naglalakwatsa
Patay kang bata ka, tanggal ka sa trabaho
Patay kang bata ka, tanggal ka sa trabaho


Trabaho, trabaho
Walang katapusan itong ating trabaho
Trabaho, trabaho
Kung minsan, kahit Linggo, nagtatrabaho

Kay hirap-hirap ng buhay sa mundo
Tapos ang 'yong ligaya 'pag walang trabaho
Nagtitipid-tipid ngunit kinakapos din
Okay lang basta′t ′wag lamang gugutomin

Trabaho, trabaho
Ang dolyar, 14 na ngayon, pare ko
Trabaho, trabaho
Ang palitan sa black market, pabago-bago, hmm-mmm-mmm

Pagdating ng suweldo ay kinakapos din
Maraming babayarang kay sakit isipin
Kahit na anong pagtitipid ang gawin
Hindi rin makaipon, laging nabibitin

Trabaho, trabaho
Kayod ka nang kayod na parang kabayo
Trabaho, trabaho
Baka sakaling mabigyan ng umento


Kay bagsik-bagsik ng 'yong mahal na amo
Laging nakasimangot, mainit ang ulo
′Pag nahuli kang ika'y naglalakwatsa
Patay kang bata ka, tanggal ka sa trabaho
Patay kang bata ka, tanggal ka sa trabaho
Tapos ang ′yong ligaya 'pag walang trabaho

Trabaho, trabaho
Kahit na ika′y isang bilyonaryo
Trabaho, trabaho
Kahit pangulo ka, kailangang magtrabaho

Trabaho, trabaho
Ikaw, ako, tayong lahat, kumayod tayo
Trabaho, trabaho
Patuloy ang taas nitong mga presyo

Patuloy ang taas nitong mga presyo
Patuloy ang taas nitong mga presyo
Patuloy ang taas nitong mga presyo

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Freddie Aguilar

Fans

»Trabaho« gefällt bisher niemandem.